top of page

Bryan Adas: Gusto Kong Bumoto Para Sa Mga Bakwit

Writer: Youth Vote PhilippinesYouth Vote Philippines
This interview features Bryan Adas, a student at the Lumad Bakwit School in Metro Manila.


Paano ka naging huwarang kabataan na bahagi ng Lumad Bakwit School?

Lahat ng kabataan na kasama sa Bakwit School ay huwaran, hindi lang isa kundi kaming lahat. Huwaran sa paraan na kami ay lumalaban sa karapatan sa edukasyon, magkaroon ng sariling pagpapasya at depensahan ang Pantaron Range. Ang Pantaron ay aming tahanan na kung saan sya ang nag bibigay sa amin ng buhay kaya ito ay aming denedepensahan para sa susunod na salinlahi.

Sa Pantaron Range [may] malinis na hangin, malawak na kagubatan, luntian ang paligid na maari naming pagkunan ng pagkain. masagana din kami sa tubig dahil doon nangagaling ang apat na malalaking ilog sa mindanao. ang pantaron range ang aming tirahan na mga lumad na kung saan doon kami kumukuha ng pang araw-araw na pagkain. Ang Pantaron ay aming buhay, kaya kung mawawala ang Pantaron ay mawawala na rin ang identidad ng mga katutubong lumad sa mindanao kaya mahigpit ang aming pakikibaka para depensahan ito. ito rin ang dahilan kaya nandito kami sa kalungsuran hindi ang mangrecruit, kundi isisiwalat ang tunay na nangyayari sa aming kumunidad.


Ano ang mga pangunahing isyu na hinaharap ng mga bakwit at paano ninyo tinutugunan ang mga ito?

Dahil sa pagpasok ng mga dambuhalang mga korporasyon katulad ng minahan, plantasyon, at iba pa. Naging biktima aming kumunidad sa militarisayon pagpatay sa aming mga lider, pagpapasara sa aming paaralan, pagsampa ng mga gawagawang kaso sa aming mga boluntaryong guro at pag kampo sa mga kumunidad. Nag Bakwit kami dahil sa wala na kaming ibang mapuntahan kaya nandito kami ngayon sa Maynila.

Habang nasa Maynila, layunin [namin] ay yung mas maipalaganap ang mga panawagan hindi lang sa amin sa mindanao kundi dito rin sa kalungsuran at layunin din namin na maipreserba ang pantaron sa susunod pa na mga henerasyon.


Bilang bahagi ng Lumad Bakwit School, anong mga katangian ang iyong hinahanap sa isang kandidato sa nasyonal o lokal na pamahalaan? Paano nakatutulong ang mga katangian na ito sa pagtugon sa mga nasabing isyu?

Katangian na gusto namin ay yung kilalanin ang aming karapatan bilang katutubo, karapatan sa edukasyon, sa sariling pagpapasya at samahan kami sa aming laban na para madepensahan ang aming lupang ninuno at hindi lang sa amin kundi sa lahat, ibigay ang lihitimong pangangailangan ng mga mamayan. dapat hawak nya ang makamasang paglikod sa bayan at hindi sa interes dayuhan.


Bilang bahagi ng Lumad Bakwit School, anu-anong mga polisiya o programa ang nais mong suportahan ng mga kandidato sa nasyonal at lokal na pamahalaan? Alin dito ang dapat gawing pangunahin?

Ang mga programang gusto naming suportahan ng mga maka upo sa posisyon ay maibalik an gaming paaralan, at matugunan ang libreng edukasyon sa mga kabataan hindi lang sa mga lumad kundi sa lahat. Matugunan ang serbisyong pangkalusugan ng lahat. Mabigyan ng libreng pabahay ang mga maralitang taga lungsod. Dapat ang lahat ng polisyang gagawin ay pabor sa pambansang minorya.

Ang dapat buwagin na mga polisiya ay yung mga anti-mamamayan na polisiya katulad ng Anti-Terror Law, Mining Act of 1995 na sya yung dahilan para maging tulay na kamkamin ang aming lupang ninuno, at ang IPRA Law na ginagawang sandata ng mga nasa NCIP or yung mga nasa gobyerno para pasukin at kamkamin ang aming lupang ninuno.


Marapat na magwagi ang mga kandidatong nagtataglay ng mga nabanggit na katangian at prayoridad, ano ang pinapangarap mong makita sa Pilipinas at sa buhay ng mga bakwit sa susunod na 6 na taon?

Ngayon sa bakwit, mahirap ang kalagayan una dahil sa hindi namin kasama ang aming mga magulang, malayo kami sa aming naka gisnang buhay, kahit na nag bakwit kami andun pa din ang pag atake ng estado sa amin. masakit marinig sa aming kumunidad may nagaganap na aerial bombming, limitadong pagpunta sa mga sakahan, at marami na kaming mga kasamahang pinilit na pasukuin at kung may pagkakataon man na maibalik ang paaralang lumad marami na namang katulad kong kabataan ang makakapagaaral para hindi na malinlang ng estado, ng mga pumapasok na malalaking korporasyon sa aming kumunidad. makakamtan namin yan sa pamamagitan ng samasamang pagkilos.

Makalipas ng anim na taon sana ay makita kong Malaya na kaming makapaglakad sa aming kumunidad at buo pa ang Pantaron Range at bukas na muli ang aming mga paaralan. Hindi na kami matatakot dahil wala ng mga mapagsamantala, pantay na lahat ang tao sa lipunan at maging Malaya.

 
 
 

Comments


  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram

6th Flr. PDCP Bank Centre

V. A. Rufino, Salcedo Village

Makati City (1227)​

yvphilippines@gmail.com  | 

youthvotephilippines

Telephone: (632)942.35.40

© 2025 YouthVotePhilippines  |  Terms of Use | Privacy Policy | Designed by Bridge360 IT Solutions

bottom of page